Kwadro
Sa likod ng magagandang kwadro naka paskil sa gilid ng Central Market. May isang mang-gagawang minsan ay nangarap na sana’y siya ang kumukuha ng mga litratong kanyang nilalagyan ng kwadra. Dulot ng kahirapan at kakapusan ng pang-aral napilitang isan-tabi ni ate ang kanyang pangarap na maging isang Photographer. Dati ay mayroon siyang kamerang de film noong siya ay nag aaral nang modernisasyon ay unti-unting pumapasok hindi na makasabay sa daloy nito si ate. Kung kaya’t napilitan siyang tumigil sa pag-aaral dahil wala siyang pangbili ng modernong kamera.
Isa si ate sa mga di pinalad na mga tao sa pilipinas na hindi natupad ang pangarap. Mapalad tayo at nakakapag -aral tayo sa prestisyosong paaralan.