Gitna ng Kalsada
Lingon sa kanan, lingon sa kaliwa. Isa sa mga payo ng mga nakakatanda sa mga kabataan bago tumawid ng kalsada. Isa sa mga delikadong tawiran ng mga Filipino ay ito, mapanganib at nakamamatay. Marami rami na rin ang nabalita na mga insidente at aksidente na ang pinangyarihan ay ang kalsada.
Umaga, hapon o gabi, ang kalsada ay mapanganib. Anong oras, diskrasya ay hindi maiiwasan. Maraming mga tsuper at driver ang mainiit ang ulo kapag ang trapiko ay hindi umaandar. Marami sa kanila ay nagmamadali at nag-aagawan ng linya, mauna lang sa pila, at dahil dito ang posibilidad ng peligro at diskrasya ay malaki. Mga jeep, taxi, tricycle, bus, truck at mga kotse ay nagrarambulan at nagbabangaan pero ang tsansa na mangyari ang mga ito... ay nabawasan.
Malaki ang pasasalamat sa mga traffic enforcer nagbibigay serbisyo sa bansa, mainit man, bilad sa sikat ng araw at nakakangalay sa binti ay tinitiis upang maitaguyod ang ligtas na tawiran ng mga tao ay daan ng mga kotse. Ilan ilan din ang nagbigay ngiti sa mga driver sa paraan ng magsasayaw habang nasa gitna ng trabaho.
Kahit nasa gitna ng kalsada, hindi makakaila na isa sila sa una ng pila sa bansa na nagtataguyod ng kaligtasan sa Pilipinas.
Saludo po kami sa inyo! Mabuhay!