Buko
Buko, Ano nga ba ang kahalagahan nito sa buhay ng mga Pilipino?
Ang buko lang naman ay nakakapamatid-uhaw. Hindi lang ito ang benepisyong makukuha natin mula sa buko, ito ay maganda din para sa ating mga kutis dahil pinipigilan nito ang pagdami ng mga tagyawat. Isa rin itong nakakatulong sa paglinis n gating mga tiyan.
Maaring sanay na an gating mga mata na makakita ng mga buko o nagtitinda ng buko. Ngunit para sa isang taong ikinabubuhay ang buko, isa itong importanteng bagay sa mundo. Sa dahilang ito ang bumubuhay sa kanya at sa kanyang pamilya. Sa simpleng pag bili natin ng buko para sa kanya ay mabibigyan natin siya ng ngiti ng kasiyahan.
Sa mga mata natin siguro na napakababaw ng kaligayahan ng isang taong nagtitinda ng buko, marahil ang kita niya sa isang araw ay ating pang-isang kainan lang. Di natin alam na ang perang kinikita nila ay maraming bibig na pinapakain. Ganoon sila kagaling at kaporsigidong kumita na kahit maliit lamang ay alam nilang marangal at wala silang nagagambalang tao o buhay.
Kaya, sana’y mapahalagahan natin ang bawat trabahong alam nating hindi man kalakihan ako kita ay may mga taong pusigidong magtrabaho sa malinis at marangal na paraan. Gusto lang man nila ay mabuhay ang kani-kanilang pamilya. At ganun din ang iba pang tao sa mundo.