top of page

Sa Ngalan ng Ama, ng Anak, ng Pamilya at ng Sarili

Kilala na sa ating mga Pilipino ang pagkaroon ng malakas na paniniwala sa turo ng ating simbahan. Maaring ito ay dahil sa impluwensiya ng mga Espanyol sa atin mula ng ipinalaganap nila sa bansa ang Kristyanismo.Sa panahon ngayon, makikita mo kung paano ipinapakita ng Pilipino ang kanilang katapatan sa kanilang paniniwala.Sa pamamagitan ng pagsimba tuwing Linggo o kahit naman ay hindi Linggo, pag darasal ng rosaryo, pagsamaba sa mga Santo, at marami pang ibang paraan.Sa lakas ng paniniwala na mayroon ang mga Pilipino Kinakailangan na nila magkaroon ng pisikal na representasyson nito. Dito natin magagawang halimbawa ang mga nagbebenta ng mga kagamiang pampaniniwala, sa labas ng mga simbahan.Sa tuwing paglabas mo sa simbahan pagkatapos ng misa, nariyan ang mga nag-aalok na bumili ka ng sampaguita, rosaryo, kandila, at iba pang mga kagamitan.


Nandiyan sila dahil sila mismo ay naniniwala sa katapatan ng mga tao sa simbahan, at ginawa na nila ito bilang kanilang kabuhayan. Ang mga nag bebentang ito ay representasyon kung gaano katapat ang mga Pilipino sa kanilang mga paniniwala. Gawin nalang nating halimbawa si lolo na nagbebenta ng iba’t ibang pambanal na mga aksesorya. Isa siyang representasyon ng pagkaroon ng matinding paniniwala dahil, kahit na sa matandang edad, naniniwala siya sa pananaw ng mga tao sa turo ng simbahan, at mula dito ay gumawa siya ng sarili niyang pangkabuhayan.Sa haba ng kaniyang buhay ay pinaniniwalaan niya parin ito. Bakit kaya niya ginagawa ito sa kabila ng kaniyang matandang edad? Maaring ginagawa niya ito para sa kaniyang pamilya. Maari din ginagawa niya ito para sa sarili niyang pangkabuhayan. Isang bagay ang sigurado tayo, ito ay naniniwala siyang mayroon siyang makukuha sa pag benta ng mga bagay na ito sa bawat araw.


Featured Posts
Check back soon
Once posts are published, you’ll see them here.
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square

© 2015 by litratista PHOTOGRAPHY

bottom of page