top of page

Kastanyas

Kastanyas o chestnuts, maliliit na bilog at kulay kayumanggi. Kamag-anak ng mga mani at halos kasing lasa rin ng kamote. Ang pagluluto nito'y hindi biro. Kailangan tama ang paghahalo't tama ang tagal at ang init. Halintulad sa takbo ng buhay ng bawat Pilipinong masikap na nagtatrabaho sa araw araw, hindi basta-basta at patuloy lang ang pag-ikot. Kung minsan ay nakakapagod na, kung minsa'y sususko na, pero bigla na lamang dadako sa ating mga isipan ang dahilan kung bakit ba natin lahat ginagawa ang mga ito.


Lahat tayo'y may kanya kanyang dahilan, motibasyon at inspirasyon sa buhay. Mga dahilan na nagtutulak sa ating magsumikap at patuloy na magtiyaga sa paghahanap buhay. Sa pag-iisip natin sa kanila ay nagdadala ito sa atin ng ngiti. Nakakabawas ng ating mga pagod, sa kadahilanang alam nating may magandang kahahatungan ang bawat bigat, bawat pawis, at bawat hiningang itnutuon natin sa ating pag sasakripisyo sa araw-araw na pag bababanat ng buto. Ang kastanyas, maliit man kung ituring ngunit malaki ang halaga nito kung tutuusin. Mahirap mang balatan, pag ito nama'y iyong natikman, may lasang walang matutumbasan. Parang buhay ng bawat taong nagsusumikap, na anumang pait at hirap ang kahaharapin paniguradong sa huli'y may ngiti pa rin sa mga mata at labi basta't ang magandang kinabukasan at ang pamilya ang iisipin.


Featured Posts
Check back soon
Once posts are published, you’ll see them here.
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square

© 2015 by litratista PHOTOGRAPHY

bottom of page